-- Advertisements --

Binigyang pagkilala ni US State Secretary of State Rex Tillerson ang mga sundalong Amerikano at Pilipino na nasawi noong World World War 2.

Binisita ni Sec Tillerson ang Manila American Cemetery and Memorial sa Taguig City kung saan nag-alay ito ng bulaklak at dasal para sa mga bayaning sundalo.

Nasa bansa si Tillerson para dumalo sa high-level meeting ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Nakatakda namang magsagawa ng bilateral meeting ang US Secretary kay Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ngayong hapon ng Linggo.

Tatalakayin sa bilateral talks ang sitwasyon sa Marawi, Philippine-US economic ties, at ang isyu sa human rights.