Iniulat ni US national security adviser Jake Sullivan na napag-usapan nina US President Joe Biden at Chinese leader Xi Jinping sa kanilang virtual meeting ang may kaugnayan sa posibilidad na pagkontrol ng mga armas.
Sinang-ayunan ng dalawang matataas na lider ang talakayan may kaugnayan sa istratehikong katatagan partikular na sa pagtukoy sa mga alalahanin ng Amerika tungkol sa nuclear at missile buildup ng China.
Hindi na idinetalye pa ni Sullivan kung anong anyo ang maaaring gawin ng mga talakayan sa istratehikong katatagan, ngunit sinabi niya na hindi ito katulad ng kung ano ang mayroon sila sa Russian context na may pormal na istratehikong pag-uusap sa katatagan dahil iyon ay mas “mature” at may mas malalim na kasaysayan.
Kumpara umano sa relasyon ng US-China na hindi gaanong “mature” ngunit tinalakay ng dalawang lider ang mga isyung ito.
kaya naman tungkulin nila na mag-isip tungkol sa pinaka-produktibong paraan upang maisulong ito.
Magugunitang, paulit-ulit na hinimok ng Washington ang China na sumali dito at ang Russia sa isang bagong kasunduan sa pagkontrol ng armas.