Kampante si US National Security Advisor Jake Sullivan na matatalakay ang ilang mga critical topic sa kanyang pakikipag-usap kay Chinese top diplomat Wang Yi.
Maalalang dumating si Sullivan sa Beijing upang kaharapin si Wang at pag-usapan ang ilang mga mahahalagang topiko na bumabalot sa US-China relationship.
Ayon kay Sullivan, nais ng US government na matalakay ang expansion o pagpapalawak sa military-to-military talks sa pagitan ng US at China hanggang sa theater command level.
Naniniwala si Sullivan na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang mga conflict sa ilang lugar tulad ng Taiwan Strait.
Nais din ng US Security Advisor na ilabas ang isyu ukol sa Gaza War na unang nagsimula noong Oktubre 2023.
Ayon kay Sullivan nais ng US na talakayin ang mga paraan upang maiwasang lumaki pa ang naturang kaguluhan.
Sa panig naman ni Wang, inilarawan niya bilang ‘critical’ ang relasyon sa pagitan ng US at China.
Nais aniya ng pamahalaan ng China na maiangat at mapagbuti ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa upang ito ay maging ‘stable, healthy’, at mamentene ang sustainable development.