-- Advertisements --
Nakatakdang bumaba sa kanyang puwesto bilang chairman ng Senate Intelligence Committee si Sen. Richard Burr ng North Carolina.
Ito ay dahil sa iniimbestigahan siya sa pagbebenta ng stock bago ang pagbagsak ng market dulot ng coronavirus pandemic.
Kinumpirma ni Senate Majoirty Leadery Mitch McConnel ang nasabing insidente kung saan personal ito ng tinawagan ni Burr at nagpasyang magbitiw sa puwesto.
Mula pa aniya sa umpisa ay nakikipag-ugnayan ito sa mga nag-iimbestiga sa kaniya at dahil dito ay mananatili pa rin siyang miyembro ng intelligence committee.
Bumaba si Burr matapos na sinilbihan ng FBI ng search warrant ang abogado din nito.