-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US Republican Senator Mitch McConnell na hindi na ito tatakbo pa sa anumang posisyon sa susunod na taon.

Isinabay ng tinaguriang longest Senate party leader ang anunsiyo sa kaniyang ika-84 kaarawan.

Si McConnell ay isa sa mga senador na hindi pumapabor sa ilang programa ni US President Donald Trump.

Nagpaabot naman ng pagbati ang kapwa nito senador sa desisyon ng Kentucky senator sa tuluyang pagreretiro sa pulitika.