-- Advertisements --
Opisyal na inilunsad na ni US Senator Tim Scott ang kaniyang kampanya para sa pagkapangulo ng US sa 2024.
Ibinahagi ng 57-anyos na Republican senator ang kaniyang buhay kung saan nagsimula ito sa payak na pamumuhay.
Ikinuwento nito na ang kaniyang lolo ay hindi na nakapag-aral dahil sa hirap ng buhay at nagtrabaho na lamang siya sa pagpulot ng mga bulak.
Magugunitang nag-anunsiyo na sa pagtakbo bilang pangulo ng US sina dating pangulong Donald Trump, ex-US ambassador to United Nation NIkki Haley at negosyanteng si Vivek Ramaswamy na pawang mga pambato ng Republican party.