-- Advertisements --
Ibinasura ng US Senate ang pagbebenta ng bilyong dolyar na halaga ng mga armas ng US sa Saudi Arabia, United Arab Emirates at ibang mga bansa.
Nangako naman si US President Donald Trump na kaniyang i-veto ang hakbang ng Senado para magpatuloy ang kasunduan na aabot sa $8.1 billion halaga ng armas sa mga bansa.
Nakakuha ang resolusyon ng kabuuang 51 na “umuo” sa pagtanggi sa deal at 45 naman ang sumang-ayon na ituloy ang pagbebenta.
Isa sa mga nagsulong ng resolusyon na si Democrat Bob Menendez at Republican Lindsey Graham ay nagsabing hindi masaya ang US sa mga nagaganap na human rights abuse sa nabanggit na mga bansa.