-- Advertisements --
Pinagbawalan na ng US Senate ang paggamit ng video-sharing app na TikTok sa mga federal employees.
Ito ay matapos aprubahan na nila ang panukalang batas na isinulong ni Senator Josh Hawley na pagbabawal sa nasabing app sa mga government-issued devices.
Ang nasabing app ay naging mainit sa mga mambabatas at sa ilang opisyal ng US dahil sa pangamba sa national security.
Noong nakaraang buwan ay nagkaisa rin ang mga House of Representatives na pagbawalan ang mga federal employees na mag-download ng nasabing app sa mga government-issued devices.
Dahil sa pag-apruba ng Senado at House of Representative ay posibleng gawing batas na sa US ang tuluyang pagbabawal ng nasabing app.