-- Advertisements --
Pumanaw si US Senator Dianne Feinstein sa edad na 90.
Sinabi ng kaniyang kampo na ilang buwan ng panghihina sa kalusugan ang dahilan ng kaniyang kamatayan sa kaniyang bahay sa Washington.
Dahil sa kaniyang kamatayan ay nakatakdang magtalaga si California Democratic Governor Gavin Newsome na siyang magtatapos sa termino ni Feinstein ng hanggang Enero 2025.
Si Feinstein ay dating alkalde ng San Francisco na nangunang pulitika sa larangan ng pulitika sa California sa ilang dekada.
Unang naupo sa senado noong 1992 kung saan hinawakan niya ang Senate intelligence and Judiciary committees.
Noong Pebrero ay ilang linggo ito ng nananatili sa pagamutan kay lumiban ito ng ilang araw sa kaniyang trabaho sa senado.