-- Advertisements --

Nababahala ang mga miyembro ng US Congress sa patuloy na lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at United States.

Nagbabala ang mga ito sa posibilidad na magresulta sa conflict ang anumang maling hakbang sa naturang usapin.

Ginawa ng mga mambabatas ang naturang babala matapos na pabagsakin ng Iran ang isang military drone ng US.

Ayon sa Iran, nilabag ng drone ang Iranian airpspace sa southern coastal province ng Hormozgan.

Pero pinabulaanan ito ng US at iginiit na nasa international airspace ang drone nang pinabagsak ito ng Iran.

Una rito, sinabi ni US President Donald Trump na “big mistake” raw ang ginawa ng Iran at hindi raw basta tatahimik lamang ang Estados Unidos sa issue na ito.

Gayunman, sinabi ni Jim Risch, ang Republican chairman ng Senate Foreign Relations Committee, na hindi naman ninanais ni Trump na makipag giyera sa Iran.

Pero kung titingan, “very committed” daw talaga si Trump sa pagdipensa sa mga American gayundin ang mga interest ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif sa kanyang Twitter account na hindi rin naman hangad ng kanilang bansa na makipag giyera sa US.

Dinipensahan lamang daw nila ang kanilang teritoryo kaya pinabagsak ang drone ng America.