-- Advertisements --

Nagkasundo ang mga senador sa US na palawigin pa ang debt ceiling nila.

Ito ay dalawang linggo bago maabot ang debt ceiling para hindi na umabot sa puntong magkaroon ng default na magdudulot ng malaking pinsala sa ekonomiya ng US.

Nagkaroon kasi ng debate sa senado kung magkano ang limit na uutangin ng kanilang gobyerno.

Sinabi ni Senate Majority leader Chuck Schumer na inaprubahan ng mga senador ang pagpapalawig ng debt ceilng ng hanggang Disyembre.

Aabot na kasi sa $28 trillion ang kabuuang utang ng US.

Kailangan pang aprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang kasunduan at resolbahin ang isyu bago ang umabot sa default.

Kapag nagkaroon kasi ng default ay masisira ang credit rating ng US, babagsak ang financial system at magkakaroon ng recession sa US.

Ang debt ceiling ay nagbunsod dahil sa mas maraming ginastos ang gobyerno kaysa sa kinokolekta nitong buwis kay kailangang mangutang para hindi bumagsak ang ekonomiya nila.