Inihayag ng Estados Unidos na huwag mag-overreact ang China sa multilateral maritime cooperative activity ng Pilipinas, Amerika, Australia at Japan sa West Philippine Sea.
Ayon sa Presidential Communications Office, sagot ito ni White House National Security Communications Advisor John Kirby nang matanong sa kahalagahan ng quadrateral cooperation.
Sinabi ni Kirby, ang nasabing aktibidad ay tungkol sa freedom of navigation, pagsunod sa international law at patunay na ang mga magkaka-alyado ay maaaring lumipad, maglayag at mag-operate basta’t pinahihintulutan ng international law.
Binaggit ng US official na dapat asahan na ang mas marami oang kahalintulad na maritime patrols na gagawin ng Estados Unidos sa karagatan ng Pilipinas.
Kinumpirma rin ni Kirby na nakamasid ang US government sa sitwasyon sa WPS.
Muli rin nitong hinimok ang China na sumunod sa 2015 Hague decision na kumikilala sa karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa South China Sea.