-- Advertisements --

Pumanaw na ang singer na si B.J. Thomas sa edad 78.

Ayon sa kaniyang publicist, hindi na nito nakayanan ang kumplikasyon ng kaniyang lung cancer at nalagutan ng hininga sa kaniyang bahay sa Arlington, Texas.

Nakilala si Thomas sa cover ng kantang “I’m So Lonesome I Could Cry” ni Hank Williams.

Sa nasabing cover nito ay nanatili ng 13 linggo sa Billboard Hot 100 noong 1966.

Sumikat siya sa pagkanta ng “Raindrops Keep Falling on My Head” nina unang kinanta nina Burt Bacharach at Hal David kung saan ginamit ito sa pelikulang “Butch Cassidy and the Sundance Kid” na pinagbidahan nina Paul Newman at Katharine Ross.

Nalulon ito sa iligal na droga kaya itinakwil ito sa pagiging born-again Christians noong 1976.

Noong Marso ay inanunsiyo ng Oklahoma native na ito ay mayroong stage 4 cancer.