-- Advertisements --
Pumanaw na ang US singer na si Tony Bennett sa edad na 96.
Kinumpirma ito ng kaniyang publicist na si Sylvia Weiner kung saan nalagutan na ng hininga ang singer sa kanilang bahay sa New York.
Hindi na binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng nasabing singer.
Nakilala ang singer sa mga sikat na kanta nitong “The Way You Look Tonight” ” Body and Soul” , “I Left My Heart in San Francisco” at maraming iba pa.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang singer gaya nina Paul Young, Star Trek actor George Takei at maraming iba pa.