-- Advertisements --

Nagsimula ng umalis ang mga sundalo ng US na nakatalaga sa Afghanistan.

Ayon kay White House deputy press secretary Karine Jean-Pierre na ang nasabing hakbang ay kasunod ng naunang pahayag ni US President Joe Biden na umalis na ang mga sundalo pagdating ng Setyembre 11.

Pormal na magsisimulang umalis ang mga ito sa Mayo 1.

Kabilang na aalis ay ang mga contractors at mga US government workers.

Aabot sa 2,500 na mga sundalo ng US ang nasa Afghanistan.

Magugunitang nais ni Biden na tapusin na ng US ang matagal na nitong giyera sa Afghanistan kaya tatanggalin na ang mga sundalo nito.

Inilagay ang mga sundalo sa Afghanistan para tulungan ang gobyerno sa paglaban sa mga taliban.