-- Advertisements --

Sinimulan na ng US ang pagpapadala ng 3.2 milyon doses ng Johnson&Johnson’s COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ito mismo ang kinumpirma ni White House spokesman Kevin Munoz.

Ang one-shot vaccine na Johnson&Johnson ay hindi masyadong maselan sa temperatura kung saan lumabas din sa survey na maraming mga Filipino ang nais na ito ang iturok sa kanila.

Nauna ng nakatanggap ang mga bansang Haiti, Moldova, Costa Rica ng mga bakuna mula sa US.