Naibigay na ng US ang kanilang sulat bilang kasagutan sa kahilingan ng Russia.
Sinabi ni Secretary of State Antony Blinken na personal na ipinasakamay ni US Ambassador to Russia John Sullivan sa Russian Ministry of Foreign Affairs.
Ang nasabing sulat ay bilang kasagutan sa ilang hiling ng Russia gaya ng arms control, transparency at stability.
Inaasahan din ni Blinken ang pakikipagpulong kay Russian Foreign Minister Sergey Lavrov sa mga susunod na araw.
Dagdag pa ni Blinken na laman din ng sulat ang pag-aalala ng US at kanilang kaalyadong bansa sa lumalalang tensiyon sa pagitang ng Russia at Ukraine.
Wala aniyang pagbabago dahil suportado ng US at NATO ang open-door policy sa mga kaalyadong bansa.
Patuloy aniya nilang ipagtatanggol ang Ukraine dahil may karapatan ang nasabing bansa na pumili ng sariling security arrangements at kaalyado.