-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang soap opera star ng US na si Leslie Charleson sa edad na 79.

Kinumpirma ito ni Frank Valentini ang executive producer ng long-running soap na “General Hospital”. Sa social media account ni Valentini ay pinasalamatan ang actress na naging bida sa nasabing soap opera na tumagal ng mahigit 5 dekada.

Ayon sa kaanak ng actress na ang dahilan ng kaniyang kamatayan ay dahil sa mayroon na itong malubhang sakit.

Unang lumabas ito sa show na “A Flame in the Wind” noong 1965 kung saan 19-anyos pa lamang ito.

Mula noon ay maraming mga soap opera itong lumabas gaya ng “Mannix” , “The Wild Wild West,”, “Marcus Welby, M.D” at maraming iba pa.