-- Advertisements --

Naglabas na ng pahayag ang North Korea kung bakit tumawid ng territory mula sa South Korea ang US soldier na si Travis King.

Ayon sa government controlled na news organization na KCNA na kaya tumawid ang 23-anyos na sundalo noong Hulyo 18 ay dahil sa nakakaranas ito ng hindi makataong pagtrato at racial discrimination.

Ito ang unang pagkakataon na naglabas ng pahayag ang North Korea mula ng maaresto nila si Travis.

Magugunitang tumakas si King mula sa South Korea patungong North Korea habang ito ay nasa tour.

Humingi na ng tulong ang US sa United Nation para sa pagpapalaya kay Private King.