SEOUL – Kinumpirma ng Defense ministry ng South Korea na napagdesisyunan na at ng kanilang US counterpart na itigil na ang taunang large-scale joint military exercises.
Jeong Kyeong-doo at ang kaniyang US counterpart na si Patrick Shanahan ay nagkausap sa telepono nuong Sabado at kanilang napag-usapan at inaprubahan ang plano kaugnay sa pagtigil muna sa Foal Eagle Execrises.
Kanila din napagkasunduan na kanilang ipapatupad na lamang ang tinatawag na”adjusted outside maneuver trainings and united command exercises ng sa gayon masigurado ang kanilang military readiness.
Ang Foal Eagle joint military exercises sa pagitan ng US at South Korea ang pinakamalaki at regular joint exercises na isa sa pinag-iinitan din ng Pyongyang.
Nasa 200,000 South Korean Forces ang nakikilahok sa nasabing joint military exercises at nasa 30,000 US soldiers naman ang participants.
Kasama sa nasabing joint military exercises ang Key Resolve, isang computer-simulated war game na ginagawa ng mga military commanders na nagsisimula sa buwan ng Marso na tatakbo ng 10 araw.
Una rito na umalma si US President Donald Trump sa nasabing joint military exercises sa Seoul dahil napaka magastos.