Pormal nang pinirmahan ngayon ni US President Donald Trump ang pagpopondo sa bagong tatag na ika-anim na branch ng US military na tinaguriang Space Force.
Ang bagong buo na military service ay kauna-unahan sa nakalipas na 70 taon na ilalagay sa ilalim ng kanilang US Air Force.
Inilarawan pa ng lider ng Amerika ang kanilang US Space Force bilang “the world’s newest war-fighting domain.”
Ang alokasyon na pondo sa Space Force ay umaabot sa $738 billion na pinakamalaking military investment sa kasaysayan ng Amerika.
Ang pasinaya ng Space Force ay popondohan ng $40 million sa una nitong taon.
“Amid grave threats to our national security, American superiority in space is absolutely vital,” ani Trump. “We’re leading, but we’re not leading by enough, but very shortly we’ll be leading by a lot… The Space Force will help us deter aggression and control the ultimate high ground.”
Ang pagtatag ng Space Force ay kasunod na rin nang napaulat kamakailan na pagpapalakas din ng Russia ng kanilang puwersa armada.
Sinasabing ang Space Force ng US ay hindi naman daw ibig sabihin na maglalagay ng mga tropa sa kalawakan tulad ng pelikulang “Star Wars” kundi upang proteksyunan ang daan daang mga US assets tulad ng mga satellites sa kumunikasyon at mga surveillance satellites na ginagamit sa pang-eespiya at iba pa.
Samantala ipinagmalaki ng Secretary of the Air Force Barbara Barrett ang formal creation ng US Space Force dahil ito ay kritikal daw sa mabisang pagdepensa sa kanilang bansa.
Sinabi naman ni Gen. Jay Raymond, commander of U.S. Space Command, hindi magiging duplicate ang bagong command sa kanilang Air Force bunsod nang may ispesipiko itong misyon.
“With the establishment of the Space Force we elevate the ‘organize, train and equip’ function consistent with the criticality of the space domain,” pagmamalaki pa ni Gen. Raymond. “The Space Force will deliver the capabilities U.S. Space Command needs to control and exploit space for national advantage.”