-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni US House of Representative Nancy Pelosi kung bakit hindi pa nito naipasakamay sa Senado ang articles of impeachment ni President Donald Trump.
Sinabi nito na dapat magkasundo muna ang majority leader na si pinamumunuan ni Senator Mitch McConnell at Senate Minority leader Chuck Schmer kung ano ang ruling na kanilang ipapatupad sa Senate trials.
Nais lamang tiyakin ni Pelosi na hindi agad maibasura ang impeachment ni Trump dahil kontrolado ng Republican ang Senado.
Ayon sa isinagawang pagpupulong ng mga lider ng Senado, hindi sila nagkasundo sa structure para sa Senate trial.
Nangangahulugan nito na posibleng isagawa pa ang pag-uusap ng dalawa habang naka-holiday break ang mga mambabatas.