-- Advertisements --
Hiniling ni US Special counsel Jack Smith sa judge na kung maari ay ibasura na ang federal election interference case laban kay president-elect Donald Trump.
Sinabi ni Smith na dapat ay ibasura na ang kaso dahil sa polisiya ng Justice Department na pinagbabawalang makasuhan ang mga nakaupong pangulo.
Una ng naghain kasi si Trump ng not guilty plea sa conspiracy to defraud at ang kasong plano nitong baliktarin ang resulta ng halalan noong 2020 kung saan nagwagi si President Joe Biden.
Giit ni Smith na ang resulta ay hindi base sa merits at lakas ng kaso laban kay Trump.
Magugunitang nagkaroon ng kaguluhan sa capitol ng tangkain ng supporters ni Trump na lusubin ito at hindi panumpahin sa puwesto si Biden.