-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si US special envoy for Haiti bilang protesta sa deportation ng mga Haitian migrants.
Nakasaad sa sulat ni Daniel Footte na hindi makatao ang pagpapalayas ng US sa mga migrants.
Kaya lamang umaalis ang mga Haitians sa kanilang bansa ay dahil sa nangyaring malakas na lindol noong nakaraang mga taon at ang kaguluhan dahil sa pulitika.
Magugunitang noong nakaraang mga araw ay nasa 13,000 migrants ang nagtungo sa Texas border na nagnanais na tumawid sa US.
Kinabibilangan ng mga Cubans, Peruvians, Venezuelans, Haitian at Nicaraguans ang nagtayo ng temporaryong tirahan sa ilalim ng tulay sa Texas border.