Pasok na sa Paris Olympics si World Champion Noah Lyles matapos talunin ang mga kapwa sprinter sa U.S. track trials-100 meters.
Ang naging panalo ni Lyles ay daan upang katawanin niya ang US sa 100 meter track and field sa Paris Olympics na gaganapin mula Jul 26, 2024 – Aug 11, 2024.
Inabot lamang siya ng 9.83 secs para tapusin ang 100 meters, at talunin ang mga katunggali na kinabibilangan nina Kenny Bednarek, Fred Kerley, at 2019 world champ Christian Coleman.
Si Lyles ay isang US professional track and field sprinter na nagbulsa ng anim na championship sa ibat ibang world competition, pangunahin ang World Athletics Championships.
Una siyang umani ng pambabatikos at kontrobersya kasunod ng naging pahayag at pagkwestyon niya noong 2023 ukol sa mga NBA champion bilang mga world champion.