-- Advertisements --

Pinatawan ng one-month ban si US sprinter Sha’Carri Richardson matapos magpositibo sa paggamit ng marijuana.

Dahil sa nasabing parusa ay hindi na siya makakasali sa Tokyo Olympics.

Ang 21-anyos na sprinter ay nagwagi sa 100 meter sa US Olympic trials sa Oregon nitong Hunyo.

Naging pang-anim din siya na nagtala ng pinakamabilis sa kasaysayan.

Isinagawa ng US Anti-Doping Agency (USADA) ang suspensiyon matapos ang Olympic trial events kung saan natapos ito sa loob ng 10.8 seconds.

Humingi ito ng paumanhin sa kaniyang fans at sinabing nagkamali lamang siya.

Hindi aniya nito nakontrol ang kaniyang emosyon kaya nagawa niyang gumamit ng marijuana.