-- Advertisements --
USpy

Naniniwala si National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr, na nais lamang subukan ng United States kung ano ang magiging reaksiyon ng China ng magpanggap ang US Air Force surveillance aircraft na Philippine aircraft at ginamit nito ang pass code habang dumadaan sa Yellow Sea.

Ayon kay Esperon hindi dumadayo ang mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Yellow Sea para magsagawa ng surveillance dahil maaari itong pagmulan ng hinala.

USPY1

Giit ni Esperon dapat pag-usapan ng Pilipinas at US ang nasabing isyu para hindi na ito maulit dahil maaring “ma-incriminate” at magkaroon ng serious implication sa bansa ang ginawang pagpanggap ng ilang US pilots.

Sa ngayon naghihintay pa ang Pilipinas sa magiging tugon ng Amerika hinggil sa nasabing isyu.

Binigyang-diin rin ni Esperon na hindi dapat gamitin ng US Air Force Pilots ang hex codes na naka-assign sa Philippines aircraft.

Napag-alaman na ang US Air Force RC-135S Reconnaissance plane nagpalit ng hex code na naka-assign sa Philippines aircraft nang lumipad ito sa Yellow Sea sa pagitan ng Chinese coast at Korea Peninsula.

Ang RC-135S ay isang militarized Boeing 707 jet na equipped ng mga sophisticated array of optical and electronic sensors, recording media and communications equipment.

Ito rin ang nagbibigay ng mga mga vital information sa mga US leaders na hindi basta basta nakukuha ng ibang mga source.

“Wala pa kaming update, we have yet to get the reaction of the US embassy but it is important to ask them and caution them or inform them if they have not known about that there pilots have been using the codes that belong to Phil aircraft, that are assigned to the Phils and Malaysia,” wika ni Sec. Esperon. “This is not really, the pilots are probably trying to test the reaction that would come from China and so the Chinese reacted and it came out in the news in the open, the possibilities are they could be trying really the capacity of China to, just imagine the incident happened in the Yellow Sea which is between Korea and China, it is an area where we don’t usually go.”