-- Advertisements --
Kinansela na ng US State Department ang lahat ng mga refugee travel sa Estados Unidos at itinigil ang pagproseso ng refugee.
Kasunod ito sa naging kautusan ni US President Donald Trump na pagpapalayas sa mga iligal migrants.
Hindi naman binanggit kung hannggang kailan matatapos ang nasabing pagbabawal sa pagbiyahe ng mga refugee sa US.
Hindi naman apektado dito ang Special Immigrant Visa holders na tinulungan ng US military forces.
Magugunitang sa pagkaupo ni Trump sa puwesto bilang pangulo ay agad niyang sinuspendi ang US Refugee Admissions Program (USRAP) kung saan sinabi nito na wala ng kakayahan ang US na tumanggap pa ng malaking bilang ng mga migrants lalo na ang mga refugees.