Pinayuhan na rin ng US State Department ang kanilang mamamayan na mag-ingat sa pagtungo sa Hong Kong.
Sa inilabas na travel advisory ng ahensiya nakapaloob dito na dapat magkaroon ng pag-iingat ang mga US citizens para hindi madamay sa nagaganap na kaguluhan doon.
Nagpaalala rin sa abiso na iwasan muna ang mga lugar na sentro ng mga demonstrasyon.
“Police have used a variety of crowd control measures, including the deployment of tear gas,” bahagi pa ng advisories. “The protests and confrontations have spilled over into neighborhoods other than those where the police have permitted marches or rallies. These demonstrations, which can take place with little or no notice, are likely to continue.”
Matapos ang dalawang araw na kilos protesta sa Hong Kong International Airport ay bumalik na rin ito sa normal operations.
Magugunitang pinasok ng mga protesters ang paliparan na nagdulot ng pagkansela ng ilang daang fligths.
Patuloy pa rin ang ginagawang kilos protesta sa lugar kahit na ibinasura na ang controversial na extradition bill at isinama na rin sa kanilang mga hinaing ang panawagan na pagbitiw sa puwesto ni Hong Kong chief executive Carrie Lam.