-- Advertisements --

Nagpaabot din nang pagbati ang top envoy ng Estados Unidos na si US State Secretary Antony Blinken sa mamamaya ng Pilipinas sa matagumpay na halalan, gayundin sa panalo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang statement, sinabi ni Blinken na na bukas ang Amerika na makipagtrabaho sa bagong gobyerno at patibayin pa ang alyansa ng dalawang bansa.

Samantala, una na ring inihayag ni State Department spokesperson Ned Price na sinubaybayan nila ang halalan sa Pilipinas at naniniwala silang sumunod ito sa international standards.

Ayon pa kay Price kung sakaling pormal ng maproklama si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay saka naman sila makikipag-ugnayan sa bagong pamahalaan.