-- Advertisements --
Sinulatan na ng White House ang gobyerno ng Israel na humihiling na mapabuti ang humanitarian situation sa Gaza.
Nakasaad sa nasabing sulat na dapat ay maisakatuparan ito sa loob ng 30 araw at kung hindi ay malinaw na ito ay paglabag sa batas sa US na nangangasiwa ng foreign military assistance at maaaring maapektuhan ang tulong militar ng US sa kanila.
Ang nasabing sulat na pirmado din nina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin na naka-address kay Israeli Minister of Defense Yoav Gallant at Minister of Strategic Affairs Ron Dermer.
Layon ng sulat ay para mapababa ang tensiyon sa nasabing lugar kung saan maraming mga bansa na ang nananawagan sa Israel na dapat tumugon na sa ceasefire.