-- Advertisements --

Nabili nang kompaniyang Hewlett Packard Enterprise (HPE) ang Cray Inc. na syang tagagawa ng ilan sa itinuturing na fastest supercomputers sa buong mundo.

Ang mga machines ng Cray Inc. ay kayang mag-process ng trillions ng calculations per second.

Kabilang sa gumagamit nito ay ang UK’s Met para sa weather forecasting and climate modelling.

Agad namang umangat ang shares ng Cray ng 18% matapos ianunsyo ang $1.3bn (£1bn) deal.

Nagpaliwanag naman si HPE chief executive Antonio Neri sa pinasukang deal, “only by processing and analyzing this data will we be able to unlock the answers to critical challenges across medicine, climate change, space and more.”

Sa pagtaya ng company lalo pa aniyang aangat ang merkado ng data services at storage lalo na sa larangan ng artificial intelligence mula sa $28 billion noong nakaraang taon na aabot sa $35 billion pagsapit ng taong 2021.