Mariing sinusuportahan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga aktibidad nito sa Ayungin Shoal dahil nabanggit nito na bahagi ito ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa kasunod ng kamakailan at mapanganib na laser-pointing activity ng China sa Philippine Coast Guard ( PCG).
Ang suporta ng Washington para sa Pilipinas ay ipinahayag sa tawag ni US Defense chief Lloyd Austin sa telepono ng kanyang Filipino counterpart na si Secretary Carlito Galvez Jr.
Isang readout na ibinigay ni Pentagon Press Secretary Brig. Gen. Pat Ryder na tinalakay ng dalawang defense chief ang tungkol sa mga pag-unlad sa West Philipine Sea, kabilang ang isang kamakailang insidente kung saan ang China Coast Guard ay nagtutok ng isang military-grade laser sa mga tripulante ng isang Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Binigyang-diin ni Secretary Austin ang pangako ng Estados Unidos na suportahan ang mga legal na karapatan at operasyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa muling pag-uulit ng US Mutual Defense Treaty sa Pilipinas, sinabi ni Austin na ang isang armadong pag-atake laban sa mga ari-arian ng Pilipinas, kabilang ang issue sa Philippine Coast Guard, ay susuportahan ng Estados Unidos.
Una na rito, gumawa sina Austin at Galvez ng ilang panukala para sa mas malawak na kooperasyon at pang-seguridad ng dalawang bansa kabilang na ang magkasanib na pwersa para sa West Philippine Sea.