-- Advertisements --

Inatasan ng US Supreme Court si President Donald Trump na ipasakamay nito ang kaniyang financial record sa prosecutors sa New York.

Sa botong 7-2, pinatunayan nila ang pangulo ay walang absolute immunity sa criminal investigation.

Naglabas din ang nasabing korte suprema ng panuntunan sa hiwalay na kaso na hiling ng congressional committees tungkol sa tax returns at financial records ni Trump.

Magugunitang hiniling ni Manhattan District Attorney Cyrus Vance na isa ring Democrats ang walong taon na financial records ni Trump na may kaugnayan sa “hush money” na ibinayad umano sa porn actress na si Stormy Daniels.

Ikinatuwa nito ang naging ruling ng korte kung saan tinawag niya itong isang tagumpay sa kanila.