-- Advertisements --
Ibinasura ng US Supreme Court ang hiling ng ilang estado na tanggalin si dating President Donald Trump sa halalan sa Nobyembre.
Kabilang din na ibinasura dito ang naunang desisyon ng Colorado na idis-qualify si Trump sa Republican primary ballot.
Ipinilit kasi ng mga judges sa mga estado ng Colorado, Maine at Illinois ang anti-insurrection claus sa US Constitution na ibawal si Trump.
May kaugnayan ito sa ginawa umano ni Trump na hinikayat ang mga supporters na guluhin ang resulta ng halalan noong 2020 ng magwagi si President Joe Biden.