-- Advertisements --

Ibinasura ng US Supreme Court ang plano ni President Donald Trump na tanggalin na ang Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) program.

Sa botong 5-4 na ginanap sa lower court ruling na hindi makatarungan ang inihihirit ni Trump na pagtanggal ng nasabing programa na itinaguyod noon ni dating US President Barack Obama.

Dahil sa boto ay nananatiling protektado laban sa deportation at eligible na mabigyan ng renewable two-year work permits ang nasa 650,000 na immigrants na karamihan ay mga young Hispanic adults na ipinanganak sa Mexico at ibang Latin American countries.

Noon pang 2017 ng ipinanukala ni Trump sa pagtanggal ng nasabing programa.

Sa kaniyang Twitter account, binatikos nito ang Supreme Court at sinabing malinaw na hindi siya gusto nito.