Naglabas ng desisyon ang US Supreme Court na mayroong absolute immunity si dating US President Donald Trump sa official acts pero hindi lahat ay opisyal.
Ayon kay Chief Justice John Roberts na nasa ilalim ng constitutional structure ng separated powers.
Nakasaad dito na ang presidential power ay nangangailangan na ang dating pangulo ay may immunity mula sa criminal prosecution dahil sa official acts ng kaniyang tenure sa opisinal.
Bilang respeto umano sa exercise ng core constitutional powers ay ang immunity ay dapat maging absolute.
Dagdag pa nito na habang ikinakalugod ng Pangulo ang immunity nito dahil sa kaniyang unofficial acts at hindi lahat na ginagawa ng pangulo ay opisyal.
Hindi nakakahigit sa batas ang Pangulo pero ang nasa konstitusyon na ang kongreso ay maaring hindi makasuhan ang Pangulo dahil sa ginagawa nito ang kaniyang responsibilidad ng Executive Branch.
Dahi sa desisyon ay maaaring maantala ang pagdinig sa mga kasong kinakaharap ng pangulo.
Ang nasabing desisyon ng korte ay ibinabasura ang desisyon mula sa federal appeals court noong Pebrero na walang dapat immunity si Trump sa mga krimen na kaniyang nagawa noong pangulo ito gaya ng pagtatangka nitong baligtarin ang resulta ng halalan noong 2020.