-- Advertisements --
Posibleng tapusin na ng US Supreme court ang kaso na inihain ni Texas attorney general Ken Paxton, sa araw ng Martes.
Ito ay matapos na magsumite na si Paxton ng “reply brief” sa Korte Suprema ng US na humihiling na dapat magsagawa ng pagdinig sa pagsasawalang bisa nila sa nangyaring botohan sa Pennsylvania, Michigan, Georgia at Wisconsin.
Hindi naman binanggit ng Korte Suprema kung kanila bang ibabasura ang reklamo ni inihain ni Paxton, sila ba ay magsasagawa ng pagdinig o hihiling ng oral arguments.
Binatikos naman ng ilang law experts ang ginawa ni Paxton dahil tila dinudungisan daw niya ang imahe ng halalan sa US.