-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng U.S. Supreme Court Chief Justice John Roberts ang utos ng isang federal judges na nag-aatas sa administrasyong Trump na magbayad sa mga foreign aid contractors.

Ang nasabing kautusan ay matapos maglabas ang Chief Justice ng administrative order na naguutos ng pansamantalang paghinto sa ginawang desisyon ni U.S. District Judge Amir Ali na siyang nagtakda ng deadline para sa pagpapalabas ng mga pondo ng U.S. Agency for International Development (USAID).

Binigyang diin pa ng SC na ang pagpapatigil ay upang magbigay daan sa gagawin nilang evaluation para sa request ng administrasyong Trump na hadlangan ang desisyon ng lower court.

Nagtakda rin si Chief Justice Roberts ng deadline para sa mga nagsasakdal—mga organisasyong may kontrata o tumatanggap ng mga grant mula sa USAID at Department of State—na magsumite ng kumento sa Biyernes ng tanghali, local time.

Maalalang ang hakbang na ito ay matapos ipagutos ni U.S. President Donald Trump ang pag-terminate sa ibang mga foreign aid contracts at grants na may kinalaman sa foreign aid.

Ayon sa U.S. hindi nito kayang sundin ang itinakdang deadline ng korte, na binigyang-diin ang mga pagbabawas sa pondo ng foreign aid bilang bahagi ng agenda ni Trump na ”America First”.

Lumala ang mga hidwaan matapos magsampa sa lower court ang mga aid organizations na nag-akusa sa administrasyong Trump ng illegal na freezing foreign aid sa kabila ng temporary restraining order na ibinaba ni Judge Ali noong Pebrero 13 na nag-aatas sa pagpapalabas ng mga pondo ngunit patuloy na pinanindigan ni Trump ang pagpapaliban sa mga foreign aid.

Paliwanag ng mga abugado ng administrasyong Trump, may karapatan umano ang administrasyon na i-suspend ang mga agreements habang ito ay nire-review ng pamahalaan kung ito ba ay pasok sa bagong polisiya ng administrasyon.

Samantala sa nilabas na filing ng administrasyon ayon dito halos 5,800 awards ang kinansela ng USAID award kung saan 500 na lang dito ang pinatili.

Bukod dito ang Department of State naman ay nag-terminate din ng halos 4,100 na award, at pinanatili ang nasa 2,700.

Sinabi naman ng mga opisyal ni Trump na ang mga dahilan para sa pag-terminate ng mga kontrata ay kabilang sa mga programa na may kinalaman sa diversity, equity, inclusion, at accessibility.

Sakabilang banda pinagtanggol naman ng Department of Justice ang karapatan ng administrasyon na suspindihin ang mga kontrata habang nire-review ang mga ito upang tiyakin na naaayon sa kasalukuyang polisiya.