Kinatigan ng US Supreme Court ang mga Christian at Jewish houses of worship laban sa paghihigpit ng pamahalaan ng New York.
Sa ibinabang desisyon ng mga mahistrado lumabas ang botohan na 5-4 kung saan pinaburan ang kahilingan ng Roman Catholic Diocese of Brooklyn at dalawa pang Orthodox Jewish congregations.
Sinasabing ito ang unang paglahok sa kontrobersiyal na isyu sa itinalaga ni President Donald Trump na conservative justice na si Amy Coney Barrett.
Pumanig si Barrett sa mga religious groups habang ang conservative Chief Justice na si John Roberts ay tumutol naman kasama ang tatlo pang mga tinaguriang liberal justices.
Ang desisyon ng Korte Suprema ay may kinalaman sa Oct. 6 decision ni New York Governor Andrew Cuomo na nag-shut down sa mga non-essential businesses kung saan mataas ang kaso ng infections kasama na ang Brooklyn area.
Ang hakbang ni Cuomo ay naglilimita sa mga pagtitipon sa mga religious institutions ng hanggang 10 katao lamang o kaya 25 sa ibang mga lugar.
Gayunman ayon sa mga houses of worship ang paglilimita na ito ay paglabag daw sa religious freedoms na siyang binibigyan proteksiyon ng US Constitution First Amendment.
Ang kanilang mga pasilidad daw ay “na-singled out” sa mas mahigpit na lockdown kumpara sa mga essential businesses kasama ang mga food stores.
Una nang ibinasura ng isang federal judge sa Brooklyn ang naturang mga kahilingan ng mga religious groups noong Oct. 9.