-- Advertisements --
Pumayag na ang korte suprema sa US na ipatupad ng Texas ang kanilang kontrobersiyal na immigration law.
Dahil dito ay aarestuhin ng mga opisyal ng Texas ang mga indibidwal na iligal na papasok sa bansa.
Ang Senate Bill 4 na pinirmahan para maging batas ni Texas Republican Governor Greg Abbott noong Disyembre ay ikinabahala ng mga immigration advocates dahil sa pinalakas na racial profiling ganun din ang pagkulong at pagdeport sa mga immigrants.
Sa Texas kasi ay 40 percent ng populasyon doon ay mga Latinos.
Ang pagpayag na ito ng Korte Suprema ay temporaryong tagumpay ng Texas dahil sa may mga apila ang nasabing batas sa federal appeals court.