-- Advertisements --
Umaasa ang US na masisimulan na nila ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines sa kanilang mamamayan sa buwan ng Disyembre.
Sinabi ni US Food and Drugs Administration head Moncef Slaoui, na posible mula Disyembre 11-12 ang target nilang makapagsimula ng pagpapabakuna.
Agad aniya nila ipapadala sa mga immunization sites ang mga bakuna 24 oras matapos na mabigyan na ito ng emergency approval.
Nakatakdang magpulong kasi ang FDA vaccine advisors sa Disyembre 10 para pag-usapan ang pag-apruba sa mga bakuna na gawa ng Pfrizer at Moderna.
Magugunitang ipinagmalaki ng nasbing drug companies na mayroong 95 percent ang effective rate ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.