-- Advertisements --
image 133

Susuriin ng Estados Unidos ang pagkilos laban sa mga entity na konektado sa militar ng China na sumuporta sa pagpapalipad ng isang Chinese spy balloon.

Kumpiyansa ang Washington na ang tagagawa ng Chinese balloon, na binaril ng militar ng United States kamakailan sa East Coast, ay may direktang relasyon sa People’s Liberation Army.

Ayon sa tagapagsalita ng White House na si Karine Jean-Pierre, titingnan at pag-aaralan ng Washington ang pagkilos, ngunit hindi tinukoy ng gobyerno ng Estados Unidos kung anong mga hakbang ang isinasaalang-alang para sa pag-iimbestiga ng Chinese spy balloon.

Una ng humingi ang mga mambabatas ng Estados Unidos ng karagdagang mga impormasyon mula sa administrasyong Biden tungkol sa naturang insidente.