Inihayag ng administrasyon ni US President Joe Biden na tatapusin nito ang mga COVID-19 emergency declaration sa darating na buwan ng Mayo 11.
Ang COVID-19 national emergency at public health emergency (PHE) ay inilagay noong 2020 ni dating Pangulong Donald Trump at paulit-ulit na pinalawig ni Biden ang mga hakbang na nagpapahintulot sa milyun-milyong Amerikano na makatanggap ng mga libreng pagsusuri, bakuna at paggamot laban sa nakakamatay na sakit.
Kaugnay niyan, ang gobyerno ng Estados Unidos ay nagbabayad para sa mga bakuna para sa COVID-19 at ilang mga pagsusuri sa ilalim ng deklarasyon ng Public health emergency.
Una rito, ang Office of Management and Budget ng United States ay nagsabi na ang mga deklarasyon, na nakatakdang mag-expire sa mga darating na buwan, ay papalawigin muli hanggang May 11, 2023.