-- Advertisements --
fortnite1
16-year old Fortnite world champion Kyle Giersdorf

Nagtala ng kasaysayan ang isang US teenager makaraang iposte ang record-breaking feat bilang world champion sa computer game na Fortnite.

Nagbulsa si Kyle Giersdorf, 16, ng US $3 million (£2.4m).

Ito na ang pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ng e-sports kung saan pinaghati-hatian ang $30 million premyo sa mga winners.

Si Giersdorf ang nagwagi sa solo event ng competition na ginanap sa Arthur Ashe Stadium sa New York.

Ang sikat na lugar ay palaging sentro ng US Open tennis tournament.

Samantala ang British teenager na si Jaden Ashman ang tinanghal naman na second sa duos event at nagbulsa ng £1 million.

fortnite
16-year old Fortnite world champion Kyle Giersdorf

Bago ito si Giersdorf ay nakilala lamang sa online bilang Bugha ay halos hindi makapaniwala nang maghiyawan ang mga tao nang ianunsiyo ang kanyang pangalan.

Nang ma-interview siya ng BBC ukol sa gagawin niya sa premyo, ang tanging nasabi niya ay gusto lamang niya ay isang bagong mesa at maaring isa pang mesa para doon ilagay ang kanyang trophy.