-- Advertisements --
Handang isagawa ng organizer ng US Tennis Open ang mga torneo ng walang audience at pagpapatupad ng mahigpit na health protocols.
Sinabi ni US Tennis Association spokesman Chis Wilderman, na handa na silang ganapin sa buwan ng Agosto sa New York ang nasabing torneo.
Kanilang iaanunsiyo ang mga pagbabago kapag naaprubahan na ito ng gobyerno.
Ayon naman sa tagapagsalita ni New York Governor Andrew Cuomon na si Richard Azzopardi na kanilang pinag-aaralan na ang natanggap nilang proposal.
Mula kasi noong Marso ay suspendido ang mga tennis tournament dahil sa coronavirus pandemic.
Inilipat na rin ang French Open mula Mayo ay ginawa na lamang ito sa Setyembre 13 habang ang US Open at Wimbledon ay tuluyan ng kinansela ngayong taon.