-- Advertisements --

Patuloy ang paggawa ng record sa tennis ng 17-anyos na si Coco Gauff.

Sa nagaganap na 2021 French Open ay itinuturing na siya bilang pinakabatang babae na umabot sa grand slam quarterfinals mula pa 2006 sa katauhan ni Nicole Vaidisova.

Nakaabot siya quarterfinals matapos talunin si Ons Jabeur sa loob ng 53 miuto.

Ayon pa sa world number 25 na hindi niya lubos akalain na umabot pa ito sa quarterfinals dahil nakatuon ito sa paglalaro.

Umaasa ito na umabot pa hanggang finals ng nasabing torneo.