-- Advertisements --

Napili si US women’s tennis star Coco Gauff na isa sa magiging flag bearer ng America para sa opening ceremony ng Paris Olympics.

Makakasama niya si NBA superstar LeBron James.

Ang 20-anyos na tennis player ay itinuturing na pinakabatang flag-bearer sa kasaysayan ng US sa Olympics.

Nakuha nina James at Gauff ang boto ng mga kapwa nilang atleta sa US.
Sinabi nito na hindi siya makapaniwala na mapipili itong maging flag bearer ng kanilang bansa.