Tuluyan ng tinanggal ng US ang kanilang mga natitira pang sundalo na nakatalaga sa northern Syria.
Ito ay dahil sa mas pinatinding operasyon ng Turkey laban sa mga Kurdish forces na kaalyado ng Estados Unidos sa kampanya laban sa ISIS.
Sinabi ni US Defense Secretary Mark Esper, dahil sa mas pinalawak pa ng Turkey ang kanilang atake taliwas sa naunang plano kaya mas minabuti na tanggalin na ang mga US soldiers.
Magugunitang naglunsad ng opensiba ang Turkey laban sa mga Kurdish forces makaraang magdeklara si US President Donald Trump na aalis na sila sa rehiyon.
Humingi na rin ng ayuda ang mga Kurdish sa Syria at Russia.
Inanunsiyo na rin ng Syria na may itinalaga na silang sundalo para komprontrahin ang mga Turkish force.
Nasa mahigit na rin ng 130,000 katao ang lumikas sa kanilang kabahayan dahil sa nagaganap na kaguluhan.