-- Advertisements --

Pansamantalang tinanggal ng US ang mga ginawa nilang pantalan sa Gaza dahil sa malakas na pag-alon.

Sinabi ni Deputy Pentagon Press Secretary Sabrina Singh na kanilang dadalhin muna ito sa pantalan ng Israel.

Ito na ang pangatalong beses na tinanggal ang temporary pier dahil sa sama ng panahon.

Hindi pa nila matiyak kung kailan ito muling ibabalik.

Ang nasabing temporary pier ay inilagay noong kalagitnaan ng Mayo pero ito ay nasira ng mahampas ng malakas na alon.